CAUAYAN CITY – May mga abono na tumaas ang presyo at may abono ring bumaba ang presyo kasabay ng panahon ng taniman.
Tumaas ang presyo ng Urea na dati ang presyo ay 1,450 pesos ngayon ay mabibili na sa 1,650 pesos.
Habang ang sulfate ay nagkakahalaga na ng 800 pesos mula sa dating presyo na 740 pesos.
Sa mga magsasakang nagtatanim ng mais ay may pagbaba naman sa presyo ng 16-20-0 na ginagamit sa pangbasal.
Kung dati ang presyo ay 1,600 pesos ngayon ay nagkakahalaga na lamang ng 1,400 pesos.
May mga ilang abono na nanatili sa presyo tulad ng tripple 14 na nagkakahalaga ng 1,650 pesos gayundin ang 17-017 na pang tap-dress na nagkakahalaga ng 1,000 pesos.
Maging ang mga gamot na ginagamit sa damo ay tumaas ng pitumpong piso habang ang ilan ay bumaba ng 150 pesos.