--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa P6.6 million ang halaga ng mga binunot at sinunog na marijuana plants sa isinagawang apat na araw na marijuana eradication sa dalawang marijuana plantation sites sa Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa naging panayam Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office na isinagawa ang nasabing Marijuana Irradiation ng pinagsanib na puwersa ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, at Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit.

Sinabi niyang una nilang binunot at sinunog ang nasa P1,880,000 na halaga ng Marijuana Plants sa Loccong, Tinglayan pangunahin na malapit sa taniman ng palay.

Umabot naman sa 9,400 na mga fully grown Marijauna ang kanilang binunot at sinunog mula 1,050 square meters na lupain.

--Ads--

Hindi naman matukoy ang nagtanim sa mga nasabing Marijauna.

Ang pinakahuli nilang nabunot at sinunog ay ang nakitang marijuana plants na nagkakahalaga ng P4.8 million.

Ang marijuana plants ay nakita sa liblib na lugar pangunahin na sa tri-boundaries Kalinga-Abra at Mountain Province.

Wala ring matukoy kung sino ang nagtanim ng mga marijuana.

Sa ngayon anya ay sinisiyasat na nila ang tax declaration sa lupang may tanim na palay kung saan may marijuana plants malapit dito.

Samantala, inihayag pa ni Captain Manganip na mayroon silang nadadakip na mga dumadayo sa Kalinga na Front lang ang pagpapa-tattoo kay Apo Wang-od ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga ngunit ang kanilang pakay ay bumili ng marijuana sa nabanggit na lugar.