CAUAYAN CITY– Dalawa mula sa tatlong menor de edad na pinaghihinalaang nagnakaw at tumangay sa issued fire arm ng isang guwardya sa Bayombong, Nueva Vizcaya ang sasampahan na ng kaso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Anthony Ayungo,hepe ng Solano Police Station sinabi niya na ayon sa mga pinaghihinalaan, malakas ang loob nilang magnakaw dahil isa sa kanilang kasama ang may dalang armas.
Ang biktima ng tatlong menor de edad ay isang guwardya sa barangay Quezon, Solano Nueva Vizcaya.
Ayon sa biktima nakita niya na may kumuha ng kaniyang bag saka kumaripas ng takbo.
Agad namang nag-ulat sa himpilan ng pulisya ang guwardya matapos na makita niya ang mukha ng mga pinaghihinalaan sa kuha ng kanilang CCTV camera.
Nakumpirma naman ang pagkakilanlan ng mga sangkot na kabataan dahil ang mismong lider ng grupo na kapwa nila menor de edad ay dating nakulong at may nakabinbin na kasong Carnapping .
Ang mga sangkot na menor de edad ay nakakulong na sa Solano Police Station at ihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.
Ang pahayag ni PMajor Anthony Ayungo.