CAUAYAN CITY – Naghain ng affidavit of desistance ang kamag-anak ng isang lalaking inilabas ang bangkay sa loob ng kabaong sa kasong isinampa laban sa pinaghihinalan.
Nauna nang sinampahan ng kasong alarm and scandal, malicious mischief at unjust vexation si Teofilo Sanorias , limamput walong taong gulang matapos ilabas sa kabaong ang bangkay ni Gonzalo Espinoza.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Jolly Villar, OIC Chief of police ng Bagabag Police Station na matapos maisampa ang kaso laban sa pinaghihinalaan ay nag-usap-usap ang magkabilang panig.
Pinatawad ang pinaghihinalaan ng pamilya ng nakaburol at naghain ng affidavit of desistance kaya ibinasura ng hukuman ang kaso.
Ayon sa pinaghihinalaan, sobra ang kanyang kalasingan at hindi nito alam ang kanyang ginawa.
Kilalang manginginom ang pinaghihinalaan sa kanilang lugar ngunit ito ang una na nasangkot sa panggugulo.