--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang makatanggap ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lunsod ang lahat ng mag-aaral na magtatapos ngayong taon.

Ito ay taunang ipinamamahagi ng Pamahalaang lunsod bilang graduation gift para sa lahat ng mga magsisipagtapos mula kinder hanggang high school.

Makakatanggap ng apatnaraang piso ang magtatapos sa kinder, pitong daang piso sa grade 6, habang isang libo at isang daang piso para sa Grade 10 at Grade 12.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jonathan Fronda Schools Division Superintendent ng SDO Santiago City sinabi niya na layunin nito na mahikayat at kilalanin ang kahusayan ng bawat mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

--Ads--

Sa ngayon ay may tukoy nang petsa para sa pagtatapos ng mga mag-aaral at ang huling araw ng school year 2022-2023 ay sa ika pito ng Hulyo habang ang moving up ceremony at graduation rites ay sa ika sampu hanggang ika labing apat ng Hulyo.

Naging hamon naman sa SDO Santiago City ang biglaang paglobo ng bilang ng mga enrollees ngayong taon na nag resulta sa kakulangan ng silid aralan at guro.