--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na tinutugis ng militar ang mga miyembro ng KLG Abra na nakasagupa ng 102nd Infantry Battalion na ikinasugat ng isang sundalo sa Naguillian, Sallapdan, Abra noong araw ng Lunes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na nagtungo sa naturang barangay ang tropa ng 102nd Infantry Battalion upang kumpirmahin ang ulat sa presensya ng KLG Abra na nagresulta ng sagupaan.

Posibleng nagpahinga lamang sa naturang barangay ang nasa 10 miyembro ng KLG Abra na binubuo ng mga nalalabing miyembro ng KLG north Abra na una na nilang nabuwag noong nakaraang taon.

Ang nabanggit na grupo ay nanatili at patuloy na kumikilos sa tri-bounderies ng Abra, Kalinga at Apayao.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang sundalo na nasugatan na si Private Zerganie Pagtan, na nagtamo ng tama ng bala sa balikat at paa.

Inaalam na rin ng 5th ID kung may mga nasugatan sa panig ng KLG Abra matapos ang armed encounter.

Tinig ni Maj. Rigor Pamittan.