--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga otoridad ang isang lalaki sa pagsisilbi ng search warrant ng mga kasapi ng pulisya sa Don Mariano Perez, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang pinaghihinalaan ay si Michael Clyde Cacacho, 40-anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company at Bayombong Police Station ang Search Warrant sa bahay ng pinaghihinalaan.

Nasamsam ang isang dismantled Glock cal. 40 pistol, limang bala ng cal. 38 na baril, isang bala ng cal. 9mm, dalawang basyo ng cal. 9mm, isang empty magazine ng cal. 9mm, isa pang magazine na may 12 bala, isang pouch at pistol replica.

--Ads--

Habang isinisilbi ang search warrant ay nakita rin ng mga otoridad ang 18 piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P12,000, isang plastic container, 15 Glass tubes, at isang bubble wrapper.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt. Manny Pawid, tagapagsalit ng NVPPO na wala pa namang record o anumang kaso ang pinaghihinalaan.

Tinig ni PCapt. Manny Pawid.