--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki matapos na gahasain ang boarder ng kanyang kapatid sa Brgy San Pedro, Bagabag.

Ang biktima ay tatlumpu’t dalawang taong gulang habang ang Suspek ay si Aljer Gumiran, tatlumpu’t walong taong gulang, mangingisda at kapwa residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO nagtungo ang biktima sa Bagabag Police Station at ipinaalam ang pang-aabuso sa kanya ng kapatid ng kanyang landlady.

Natutulog umano ang biktima sa kanilang silid nang napansin niyang may pumatong sa kanya kaya pnabayaan niya ito sa pag-aakalang ang kanyang ka-live in niya ito hanggang sa napagtanto niyang hindi ito kanyang partner.

--Ads--

Itinulak umano niya ito palayo sa kanya.

Sumuko naman ang pinaghihinalaan matapos na siya ay ituro ng biktima na namantala sa kanya.

Dinala ang suspek at ang biktima sa Bagabag Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon.

Ang biktima ay sasailalim sa Medico-genital Examination habang ang suspek ay sasailalim naman sa physical/medical examination.