--Ads--

CAUAYAN CITY – Bibigyan ng pagkilala ang ilang honest tricycle driver sa Cauayan City ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Ceasar Dy Jr.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division o POSD Chief Pilarito Malillin sinabi niya na isang magandang pagkakataon na mabigyan na rin ng recognition ang mga tricycle drivers na naging tapat sa kabila ng temtasyon at kahirapan.

Halos nasa anim na libo ang mga namamasadang tricycle at bihira ang magkaroon ng ganitong pagkakataon para sa ganitong programa kaya naman naisipan nilang bigyan na rin ng parangal at pagkilala ang mga magigiting na tricycle drivers.

Dahil sa pagiging tapat sa kanilang serbisyo ay mabibigyan ng libreng prangkisa na aabot sa tatlong taon ang mga drivers na mabibigyan ng pagkilala.

--Ads--

Ayon kay POSD Chief Mallillin kasabay ng programang ito ay mabibigyan din ng pagkilala at parangal ang iba ring POSD Personnel na naging tapat sa kanilang trabaho.