--Ads--

CAUAYAN CITY – Napapanahon ang anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wakasan na ang COVID-19 emergency sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Dr. Guido David ng Octa Research Group sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Aniya halos balik na sa normal ang sitwasyon sa bansa hindi lamang sa galaw ng komunidad na hindi na gaanong nagsusuot ng facemask kundi maging sa mga naitatalang kaso ng Covid 19 na bumababa na at may mga lugar na wala nang naitatalang kaso.

Sa pag anunsyo ng pangulo ay parang wala na lamang sa mga mamamayan na kung ikukumpara noong nakaraang taon na kapag ganito ang iaanunsyo ay napakarami na ang negatibong komento o reklamo.

--Ads--

Bagamat winakasan na ang health emergency sa virus ay patuloy na ipinapaalala ng Department of Health o DOH sa publiko na manatiling mag ingat dahil hindi pa rin nawawala ang virus.

Aniya kahit tanggap na ng lahat ang Covid 19 bilang bahagi na ng kanilang buhay ay panatilihing malusog ang katawan upang hindi makapitan ng sakit.

Ayon sa DOH mahalaga pa ring imonitor ang nasabing virus upang hindi masayang ang mga ginawang effort ng mga awtoridad sa nakaraang pandemya.

Kailangan pa ring maging maingat ang lahat upang maiwasan na muling magkaroon ng surge ng virus.