CAUAYAN CITY – Walang nakitang malaking pagbabago sa sektor ng edukasyon ang ACT-Teachers Partylist.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deputy Minority Leader at ACT-Teachers Representative France Castro, sinabi niya na inasahan nilang matatalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang lahat ng mga nagawang pagbabago at programa para sa sektor ng edukasyon partikular sa benipisyo ng mga guro.
Aniya, taliwas sa nabanggit ng pangulo ay wala silang nakitang pagbabago dahil sa kakulangan ng guro, kagamitan at pasilidad para maghatid ng dekalidad na edukasyon.
Para sa kaniya sa nakalipas na isang taon na panunungkulan ng pangulo ay wala pang natupad ang pamahalaan sa mga inaasahan nilang progreso tulad ng dagdag na pondo para sa Education sector na magagamit sana sa hiring ng karagdagang guro at pagpapagawa ng marami pang pasilidad na magagamit ng mga mag-aaral sa buong bansa.
Tinig ni Rep. France Castro.