--Ads--

CAUAYAN CITY – Pansamantalang itinigil ang isinasagawang search and rescue operation sa mga nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng habagat at bagyong Falcon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Gamie Manglugay, Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na malalaki ang alon sa karagatan kaya nagdesisyon silang ipagpaliban muna ang paghahanap gayunman ay ipinagpapatuloy pa rin ang foot patroling sa mga isla kung saan posibleng napadpad ang mga nawawalang rescuers.

Bagamat wala pa rin silang makitang bakas ng mga PCG rescuers ay tuluy-tuloy ang paghahanap sa mga isla ng Fuga, Dalupiri at Camiguin sa pamamagitan ng aerial search at surface search.

Katuwang na rin nila ang US Airforce na naghatid ng tulong sa Calayan sa pagsasagawa ng aerial search.

--Ads--

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga mangingisdang nasa karagatan upang agad na ipabatid kung sakaling may makita sa mga nawawalang rescuers.

Nanawagan naman ang PCG sa lahat ng mga residente  sa coastal areas na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa posibleng kinaroroonan ng mga nawawalang rescuers.

Tinig ni Coast Guard Ensign Gamie Manglugay.