
CAUAYAN CITY – Umabot sa halos animnapong libong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Egay sa ikalawang rehiyon.
Sa isinagawang Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran o UP-UP Cagayan Valley ng Tactical Operations Group 2 o TOG2, Philippine Air Force ay inihayag ni Social Welfare Officer IV Mylene Attaban ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 na batay sa kanilang datos ay umabot sa 58,882 na pamilya o 209,393 na individual ang naapektuhan ng bagyong Egay sa rehiyon.
Mula ang mga ito sa 699 na barangay sa rehiyon.
Aniya, sa Batanes ay may 6,644 na pamilya o 20,553 na individual ang apektado habang sa Cagayan ay may 50,179 na pamilya o 180,820 na individual.
Sa naturang bilang ng apektado sa Cagayan ay 18,713 na pamilya o 67,988 na individual ang mula sa District 1 na kinabibilangan ng mga bayan ng Alcala, Aparri, Baggao, Gattaran, Lallo, Sta. Ana, at Sta Teresita.
Sa District 2 naman ng Cagayan ay may 30,562 na pamilya o 110,022 na individual na mula sa mga bayan ng Abulug, Allacapan, Ballesteros, Calayan, Claveria, Lasam, Pamplona, Piat, Sanchez Mira, at Sta. Praxedes.
Sa ikatlong Distrito naman ay may 38,221 na pamilya o 129,736 na individual na mula sa Amulong, Enrile, Iguig, lunsod ng Tuguegarao, at Peña Blanca.
Sa Isabela ay may 632 na pamilya o 2,151 na individual ang apektado na mula sa Divilacan, Maconacon, Sta. Maria, Palanan, Reina Mercedes, at Cabatuan.










