CAUAYAN CITY – Malabong maisaayos ang mga paaralang nasira sa pananalasa ng bagyong Egay sa Calayan, Cagayan bago ang pasukan sa August 29.
Ito ang inihayag ni Mayor Joseph Llopis sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.
Ayon kay Mayor Llopis, hindi maihahabol na maayos ang mga nasirang paaralan kaya kailangan ng alternatibo para sa mga mag-aaral.
Aniya, maraming kailangang asikasuhin tulad ng pagpopondo at pagtransport ng mga construction materials para sa rehabilitasyon ng mga nasirang classrooms.
Sinabi pa ni Mayor Llopis na halos dalawang linggong walang magawa ang pamahalaang lokal tulad ng relief operation sa mga island barangays dahil sa masamang lagay ng panahon.
Mabuti na lamang aniya at nakapagdala ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang iba pang ahensya ng pamahalaan at Non-Government Organizations (NGOs) ng mga relief packs sa ilang barangay ng Calayan.
Tiniyak naman niya na sapat pa ang kanilang food packs na ipinamamahagi sa mga apektadong residente.
Tinig ni Mayor Joseph Llopis.