--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga otoridad ang isang magsasaka sa ikinasang Oplan Paglalansag ng CIDG Nueva Vizcaya, Santa Fe Police Station, at PNP SAF sa Brgy. Atbu, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Jay Calderon ng CIDG Nueva Vizcaya sinabi niya na nagsagawa sila Legal verification upang matukoy kung ang pinaghihinalaan ay may legal possession ng baril.

Batay sa kanilang beripikasyon napag-alaman na walang lisensya ang mga baril na nasa pagiingat ng pinaghihinalaan.

Sa pamamagitan ng isang search warrant ay ni-raid nila ang bahay ng pinaghihinalaan at doon nasamsam ang isang unit ng home made caliber 30 rifle na walang serial number at caliber 22 revolver.

--Ads--

Ayon naman sa pinaghihinalaan ginagamit nila ang mga baril upang mangaso ng baboy ramo.

May ilang insidente rin aniya na nagpapaputok ng baril sa barangay ang pinaghihinalaan na nagdulot na rin ng takot sa kaniyang mga kapit bahay.

Dahil nalalapit na ang barangay at sanguninang Kabataan election ay muli siyang nagpaalala na mas paiigtingin nila ang kanmpaniya kontra loose firearms gayundin na hinihikayat ang lahat ng mga gun owner na ipasakamay na lamang muna ang kanilang mga baril sa himpilan ng pulisya para sa safe keeping habang kanilang pinoproseso ang lisensya at permit.