--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki matapos na pagsamantalahan ang anak ng kanyang kapitbahay sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Anthony Ayungo, hepe ng Solano Police Station na ang pinaghihinalaan ay 65-anyos at isang magsasaka habang ang biktima ay isang menor de edad.

Siya ay nahaharap sa kasong rape with sexual assault at 2 counts ng acts of lasciviousness.

Batay aniya sa biktima ay tinawag siya ng suspek para ipatanggal ang puting buhok nito at habang ginagawa ito ng biktima ay bigla na lamang umanong hinawakan ng pinaghihinalaan ang maselang parte ng katawan ng bata.

--Ads--

Tinakot umano siya na papatayin ang kanyang mga magulang kung magsusumbong kaya natakot ang biktima.

Sa pangatlong beses na ginawa ito sa kanya ay nagsumbong na ang bata sa kanyang mga magulang at sila naman ang nagpaalam sa pulisya.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng Solano Police Station ang pinaghihinalaan at desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng biktima.

Sumailalim naman sa trauma counselling ang biktima sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay PMaj. Ayungo, kung ikukumpara noong nakaraang taon ay bumaba ang kaso ng panggagahasa sa bayan ng Solano ngayong taon.

Tinig ni PMaj. Anthony Ayungo.