--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na  sa 2,611 na pamilya o 8,547 na  individual ang apektado ng bagyong Goring sa Isabela, Cagayan at Nueva Vizcaya batay sa talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Information Officer Sharon Asuncion ng Office of Civil Defense (OCD) region 2  umabot sa labindalawang tulay ang hindi madaanan sa ikalawang rehiyon kabilang ang tatlo sa Isabela.

Ang mga ito ay ang Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, ang overflow bridge sa  Baculod, Lunsod ng  Ilagan at ang tulay sa Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.

Sa lalawigan naman Cagayan, ang mga hindi madaanan na tulay dahil sa mataas na water level ng mga ilog  ay matatagpuan sa mga bayan ng Tuao, Peniablanca, Sto Ninio, Baggao at Lasam.

--Ads--

Sa bayan ng Alcala, Cagayan ay 35 na pamilya o 96 na tao ang sapilitang  inilikas dahil sa natuklasang crack ng  Small Water Impounding Project (SWIP) sa barangay  Cabuluan,

Naka-preposition na sa mga apektadong LGU  ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga residente na naapektuhan ng bagyo.

Tinututukan din ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) ang Batanes dahil dito dadaan ang bagyo bago tuluyang lumabas  sa bansa.