CAUAYAN CITY – Magsasagawa ang Commission on Election (COMELEC) Cauayan City ng Electoral Briefing sa mga magiging tagapangasiwa sa darating na Barangay at Sanguninang Kabataan Election.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Christopher Thiam, City Election Officer, sinabi niya na may tatlong araw upang mabigyan ng training ang mga guro na magiging pangunahing tagapangasiwa sa bawat presinto ng halalan.
Isasagawa ito September 16, 23 at 31.
Bahagi ito ng paghahanda para sa darating na halalan upang magkaroon ng maayos na botohan.
May 280 clustered precinct sa buong lunsod at sa bawat presinto ay pangangasiwaan ng tatlong guro kaya para sa mas maayos na halalan ay kanilang sasanayin ang mga guro sa general instructions ng halalan maging sa procedure on canvassing.
Tinig ni Atty. Christopher Thiam.