--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang limang indibidwal matapos mabangga ng isang sasakyan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang tsuper ng nakabanggang sasakyan na si Oliver Dacanay, 44-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ang tsuper ng isang motorsiklo na nabangga ay si Warlito Delos Santos, 60-anyos, may asawa, at residente rin ng bayan ng Villaverde.  

Lulan ng nasabing motorsiklo sina Elvis Sabado, 39-anyos at Antonio Valdez 47-anyos na kapwa residente ng naturang lugar.

--Ads--

Habang ang lulan naman ng isang motorsiklo ay sina Jun Garcia, 47-anyos at ang back rider nito ay si Gemma Ferrer, 42-anyos, may asawa at kapwa residente ng Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng sasakyan ang provincial road patungong Barangay Poblacion nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nakapasok ito sa tapat ng linya na kinaroroonan ng dalawang motorsiklo.

Lahat ng sakay ng dalawang motorsiklo ay nagtamo ng sugat at agad din silang dinala sa pagamutan habang hindi naman nasaktan si Dacanay.  

Dinala si Dacanay sa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.