--Ads--

CAUAYAN CITY – Pabor para sa mga magsasaka ang desisyon ng National Food Authority (NFA) na dagdagan ng P4 ang kasalukuyang buying price sa bawat kilo ng palay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor sinabi niya na welcome development para sa kanila ang mas mataas na presyo ng NFA sa pagbili ng palay ng mga magsasaka.

Maganda ang inaasahan nilang resulta nito para sa mga magsasaka dahil magkakaroon na sila ng dagdag na kita na P4 bawat kilo sa ibebentang palay.

Aniya, ang pagtaas ng NFA ng buying price ay magreresulta ng pulling effect para naman sa presyo ng mga traders.

--Ads--

Matatandaang papalo na ngayon sa P23 bawat kilo ang presyo ng tuyong palay habang P19 naman bawat kilo ang fresh na palay.

Makakatulong din ang dagdag na P4 na buying price upang mapataas ang buffer stock ng NFA dahil maaaring mas maenganyo na ang mga magsasaka na sa kanila magbenta ng palay at patataasin din nito ang produksyon ng palay.

Samantala, sa kabila ng pagtaas ng buying price sa palay ay desidido ang grupo na hilingin ang pagbibitiw nina Finance Secretary Benjamin Diokno at NEDA Chairman Arsenio Balisacan dahil sa panukalang ibaba ang taripa para sa imported na bigas na salungat sa kasalukuyang hangarin ng NFA para sa locally produced rice.

Una na rin silang nagsagawa ng protest Caravan sa tanggapan ng Foundation for Economic Freedom, Tariff Commision, Federation of Filipino Chinese Chamber at sa Department of Finance para ipakita ang kanilang pagtutol sa naturang rekomendasyon na magreresulta lamang sa pagbaha ng imported na bigas sa bansa.

Tinig ni Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor.