CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Schools Division Office (SDO) Isabela tungkol sa mga ulat na may mga estudyante na nasaniban sa Reina Mercedes at Angadanan, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Rachel Llana, Schools Division Superintendent ng SDO Isabela na hindi pa nila nakumpirma ang mga naitalang nasaniban na mga estudyante pero may nagtungo nang pastor at pari sa bayan ng Reina Mercedes para tingnan kung totoo ang naturang ulat at nagsagawa na rin sila ng misa maging ang local government unit (LGU).
Nagpadala na rin ang lokal na pamahalaan ng magsasagawa ng imbestigasyon at maging sila sa SDO Isabela ay mayroon din silang Education Program Supervisor na nagtungo sa Reina Mercedes at Angadanan para kumpirmahin kung totoo ang mga naturang ulat.
Sa ngayom ay hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng LGU at nang kanilang mga kasamahan gayundin kung ano ang sasabihin ng mga religious leader.
Payo niya sa mga magulang na huwag magpanic at palakasin ang tiwala sa Diyos gayundin na makipagtulungan sa mga paaralan at magtiwala sa kanilang kakayahan na hawakan ang mga ganitong insidente.
Umaasa naman sila na hindi na ito masusundan pa.
Tinig ni Dr. Rachel Llana.