
CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit dalawampong baboy ang isinailalim sa culling dahil sa African Swine Fever o ASF
Magugunitang kabilang ang bayan ng Luna sa mga apektado ng ASF ngayon sa Isabela kasama ang mga bayan ng Angadanan, Roxas, Quirino, Gamu, at Echague.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Adrian Leandro Tio, sinabi niya na may dalawampu’t tatlong baboy ang kumpirmadong apektado ng ASF sa kanilang bayan partikular sa barangay Harana at Barangay Centro Uno.
Isinailalim sa culling ang naturang mga baboy at patuloy ang pagsasagawa nila ng massive inspection upang hindi na kumalat ang naturang sakit sa kanilang bayan.
Ayon kay Mayor Tio, mga backyard hog raisers ang apektado ng ASF.
Inabisuhan na rin nila ang mga nag-aalaga ng baboy na magsagawa ng disinfection para maiwasan ang sakit na ASF.
Ayon pa sa alkadde noong nakaraang linggo ay nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang bawat punong barangay upang magsagawa ng Barangay checkpoint para mamonitor ang paglabas at pagpasok ng Baboy sa kanilang bayan.










