CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Pamahalaang Lunsod ng Cauayan ang 2023 Cooperative Bazaar katuwang ang Rotary Community Corps of Cauayan City Multi-Purpose Cooperative, Cauayan City Women Credit Cooperative, Cauayan City Multi-Purpose Cooperative, Minante 1 Farmers Multi-Purpose Cooperative at Exponent Cooperative.
Sari-saring mga pangunahing produkto ng mga magsasaka, mangingisda at Irrigators Associations ang mabibili tulad ng mga gulay, sibuyas, bawang at luya, itlog, mga produkto tulad ng walis tambo at maging ang mga bigas.
Maliban sa mga pagkaing gulay at prutas, ang mga kalahok sa Kadiwa ay nagdala rin ng kanilang processed and preserved fruits at mga produktong hango sa sinalihang livelihood trainings.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Silvia Domingo, City Cooperative Officer, sinabi niya na ang isinasagawang Bazaar ay kabilang sa mga programa sa pagdiriwang din ng Cooperative Month sa buong bansa.
Hangad ng programang ito na ipakita na ang Cauayan City ay marami ang ipinagmamalaking produkto at para maibahagi sa lahat ang mga abot kayang bilihin.
Tinig ni Silvia Domingo, City Cooperative Officer.