--Ads--

CAUAYAN CITY – Labing isang pulis ang maitatalaga bilang Election Inspectors para sa araw ng Barangay at Sanguninang Kabataan elections sa ikatatlumpo ng Oktubre sa barangay Mabongtot, Lubuagan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Dindo Salming, hepe ng Lubuagan Police Station sinabi niya na sumailalim sa seminar sa COMELEC Lubuagan ang ilan sa kanilang personnel at handang handa na para magsilbi sa halalan.

Aniya, hakbang nila ito dahil ang Mabongtot, Lubuagan Kalinga ay ilan sa mga lugar kung saan may matinding Tribal Conflict o Conflict of Interest kaya para matiyak ang kaligtasan ng mga Guro ay napagdesisyunan nilang mga PNP personnel na lamang ang magsilbing Election Inspector.

Tiniyak naman niya na sapat pa rin ang Man Power ng Lubuagan Police station para matiyak ang maayos na halalan sa buong Bayan .

--Ads--

Wala rin namang naitatalang pagbabanta sa seguridad sa lugar subalit kailangn lamang nilang matiyak na walang maitatalang problema sa mismong araw ng Halalan.

Magiging Centralized rin ang gagawing manual counting sa mga boto maliban sa barangay Mabongtot.