--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lalaki sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa Luna, Isabela.

Minaneho ang motorsiklo ni Cristito Resane, 28-anyos, may asawa, magsasaka at angkas nito si Nico Mangguba, 36-anyos at kapwa residente ng San Miguel, Luna, Isabela.

Ang SUV naman ay minaneho ni Richard Fernandez, 55-anyos, may asawa at residente ng Lalog 2, Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng SUV ang kalsada papunta sa Luna Town Proper habang nasa kasalungat na direksyon naman ang motorsiklo.

--Ads--

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang pumasok sa linya ng SUV ang motorsiklo dahilan para mabangga ang kaliwang bahagi ng harap ng sasakyan.

Nagtamo ng sugat ang mga sakay ng motorsiklo at dinala sa pagamutan ang tsuper nito ng mga rumespondeng Rescue ng Luna, Isabela ngunit idineklarang dead on arrival.

Hindi naman nasaktan ang tsuper ng SUV.

Dinala sa Luna Police Station ang mga sangkot na sasakyan at ang tsuper ng SUV kasama si Fernandez para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.