--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang tatlong lalaki sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa pambansang lansangan na bahagi ng San Fermin, Cauayan City.

Ang mga sangkot na motorsiklo ay isang honda click na minaneho ni Ricky Calaunan, 36-anyos at residente ng Bangkero, Reina Mercedes, Isabela habang ang XRM naman ay lulan ang dalawang lalaki na edad 19 at kapwa residente ng Tagaran, Cauayan City.

Ayon sa Rescue 922, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang pambansang lansangan na bahagi ng barangay San Fermin patungo sa magkasalungat na direksyon nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nagsalpukan ang mga ito dahilan upang magtamo ng sugat ang mga sangkot sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Agad namang nagresponde ang Rescue 922 upang malapatan ng lunas ang mga natamo nilang sugat at tumanggi na rin silang magpadala sa pagamutan.  

--Ads--

Ayon sa Rescue 922 maaaring human error ang sanhi ng naturang insidente.