CAUAYAN CITY – Nasabat ng Mallig Police Station ang isang truck na may kargang iligal na pinutol na kahoy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Carina Dabban, Deputy Chief of Police ng Mallig Police Station, sinabi niya na ang naharang na truck ay may kargang 2,957.49 board feet ng palma brava logs sa kanilang establish checkpoint sa Centro 2, Mallig, Isabela.
Aniya, nagkakahalaga ito ng halos P100,000.
Nadakip ang apat na suspek na lulan ng Isuzu forward truck na agad nilang isinailalim sa inquest proceeding subalit nakapagpyansa rin para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Batay sa kanilang pagsisiyasat, ang mga pinaghihinalaan ay galing sa Claveria, Cagayan at dadalin sana ang mga nasamsam na iligal na pinutol na kahoy sa Roxas, Isabela para gawing rest house.
Napag-alaman din na ang mga pinaghihinalaan ang may-ari ng mga pinutol na kahoy bagamat may mga hawak silang dokumento ay expried o nagpaso na.
Ito naman unang pagkakataon na makasabat ng iligal na pinutol na kahoy ang Mallig Police Station.
Tinig ni PLt. Carina Dabban.