--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinusulong sa lalawigan ng Kalinga ang ratipikasyon ng Bodong system of peace pact para sa halos isang daang mga tribo at sub-tribe ng lalawigan kasabay ng Kalinga Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip, Public Information Officer ng Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya na sasailalim sa centralized Bodong system ang iba’t ibang tribo sa Kalinga na may layuning gawing payapa ang lalawigan.

Aniya, napakaraming mga tribo sa Kalinga maliban pa sa sub-tribes na humahati sa ilang barangay.

Sa ngayon ay ratipikasyon pa lamang ang isinusulong at kasabay nito ay ang paglulunsad din ng bodong system for the youth na may layuning magbigay ng kaalaman sa mga kabataan sa kahalagahan ng budong system.

--Ads--

Pabor naman ang halos lahat ng mga elderly o pinuno ng bawat tribo para sa centralized bodong system.

Inaasahang idagdagdag din sa ratipikasyon ang political bounderies para maiwasan ang tribal wars o tribal conflicts.

Tinig ni PCapt. Ruff Manganip.