--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor de edad matapos silang maaktuhang gumagamit ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang mga pinaghihinalaan ay edad 18, 16, at 14 na pawang residente ng Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Solano Police Station, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa illegal drug pot session ng tatlo sa isang bahay.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya at naaktuhan ang tatlo na gumagamit ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

--Ads--

Nakuha sa tatlo ang iba’t ibang drug paraphernalia gaya ng improvised toother, lighter, at hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na dalawang gramo at nagkakahalaga ng P240.

Ayon sa pulisya ang tatlo ay pawang mga newly identified drug personalities at sa ngayon ay inaalam na kung saan posibleng galing ang hinihinalang marijuana na nakuha sa kanila.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Solano Police Station ang tatlo na posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002).