--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng Department of Trade and Industry na wala pang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sa naging pagpapahayag ni Ginoong Mel Marie Angelo Laciste, Trade and Industry Development Specialist ng DTI Isabela sa isinagawang Up Up Cagayan Valley, sinabi niya na batay sa kanilang weekly at monthly price monitoring ay wala pa naman umanong malakihang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bagamat sa ngayon ay wala pang paggalaw sa presyo ay inaasahan na nilang mararamdaman din ng consumer ang pagtaas sa mga susunod na panahon dahil sa mga price increase ng ilang produkto na inaasahang mailalabas sa merkado sa mga susunod na araw o buwan.

Sa ngayon ay nasa ilalim pa ng ipinapatupad na suggested retail price ang mga prime commodities.

--Ads--

Sakali man aniyang may mga establisimiento na may mga produktong mas mataas ang presyo sa ipinatupad na SRP ay hindi naman agad silang mapaparusahan kundi mabibigyan muna sila ng letter of inquiry mula sa DTI upang sila ay magpaliwanag.