--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa sa Cauayan City Stand Alone Senior High School ang Annual Literary, Academic, and Musica Contest.

Ang Annual Literary, Academic, and Musica Contest (ALAM) ay isang programa kung saan ipinapakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng Agrikultura.

Pinangunahan ng mga Estudyante mula sa University of the Philippines (UP Los-Banos)  ang Annual Literary, Academic, and Musica Contest dito sa Lunsod na may temang Empowering Youth in Advancing Agricultural Career na dinaluhan ng nas 20  iba’t ibang eskwelahan dito sa Lalawigan.

Inihayag ni Anna Nicole Francisco ang head ng programa na sila ay mga Estudyante mula sa UP na kapwa mga Isabelino.

--Ads--

Ang ALAM program ay taun taon nilang idinaraos kung saan nagbabahagi sila ng mga impormasyon para mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan kaugnay sa mga napapanahong usapin sa Bansa.