--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan na ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pagsasagawa ng cloud seeding lalo na sa mga lugar na nagtatanim ng mais sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2 na tuloy na ngayong buwan ng Pebrero ang pagsasagawa nila ng cloud seeding lalo na sa mga corn areas.

Nagmomobilize na aniya ang Philippine Air Force kasama ang Bureau of Soil and Water Management at ang Regional Agricultural Engineering Division para mailigtas ang mga mais.

Aniya, bahagi ng corn program ang cloud seeding na may pondong P7.9 milyon.

--Ads--

Ang mga nahuling nagtanim sa silangang bahagi ng Isabela at ilang bahagi ng Quirino at Cagayan ay nasa critical growth stage o nasa reproductive stage na kaya kailangan ng mga ito ng tubig.  

Ano mang araw ngayong linggo o sa susunod na linggo ay isasagawa ang cloud seeding.

Tinig ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2.