--Ads--

CAUAYAN CITY – Idinadaing ng mga motorista ang sagabal umanong mga poste ng kuryente sa pambansang lansangan na malimit ay nagiging sanhi ng aksidente sa Cauayan City.

Ang mga motorista o ang mga maliliit na sasakyan ay hinikayat na sa gilid ng daan lang dumaan lalo na sa mga 4 lanes na kalsada upang maiwasang mahagip ng mga malalaking sasakyan.

Gayunman ayon sa ilang mga motorista, kahit nasa gilid sila ng daan ay hindi pa rin sila ligtas dahil madalas nilang masagi ang mga poste ng kuryente.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan kay Raul Recometa, tricycle driver, sinabi niya na bukod sa trapiko ay mga poste ang pangunahing problema ng isang tricycle driver.

--Ads--

Lalo na aniya tuwing maulan ang panahon at wala silang magawa kundi magpagilid sa kalsada.

Marami na aniya sa kanyang mga kasamahan ang napaulat na nadisgrasya na sumalpok sa poste ngunit mapalad pa rin at sugat lang ang natamo.

Isa pang rason aniya ay ang kakulangan ng streetlights sa mga lugar na may mga poste ng kuryente, kaya ang ilang mga nadidisgrasya ay sumasalpok sa poste dahil hindi nila ito.

Hiling ng mga motorista na tanggalin sa mismong kalsada ang mga poste at kung hindi man ay maglagay sila ng sapat na streetlights at signages bilang paalala.