--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit P300,000 ang halaga ng iligal na droga na nasamsam sa isang linggong operasyon ng pulisya sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office na sa kabuuan ay umabot sa 46.82 na gramo ng iligal na droga na may P318,376 na halaga ang nasamsam sa mga magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa iba’t ibang bayan at lunsod sa lalawigan.

Kabilang sa mga lugar na ito ang lunsod ng Cauayan at Ilagan, mga bayan ng Echague, Roxas, San Mateo at Tumauini.

Nasa siyam na police operations ang naisagawa at 12 ang naaresto na may paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

--Ads--

Aniya, sisikapin pa ng mga kupulisan na paigtingin ang kampanya kontra sa iligal na droga para mahuli ang mga nasasangkot dito.

Tinig ni PCapt. Scarlette Topinio.