--Ads--

Bubuo ang Police Regional Office 2 o PRO2 ng team na tututok sa kaso ng panggagahasa sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PBGen. Christopher Birung, Regional Director ng Police Regional Office 2 na naitatala sa iba’t ibang bayan at lunsod sa ikalawang rehiyon ang kaso ng panggagahasa na ang mismong sangkot ay magkakamag-anak.

Dahil dito, bubuo siya ng team sa lahat ng police stations sa rehiyon na binubuo ng PNP personnel, opisyal ng barangay, health workers, at stakeholders.

Aniya, regular nilang pupuntahan ang bahay ng mga vulnerable na pamilya na ang mga bata o dalagita ay posibleng mabiktima ng rape.

--Ads--

Ito aniya ang isa sa nakikitang nilang paraan para maiwasan ang kaso ng panggagahasa at para malaman ng mga tao na ang parusa ng nasasangkot sa panggagahasa ay habang buhay na pagkakabilanggo.