--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpatawag ng committee hearing ang Sangguniang Panlungsod ng Cauayan kaugnay sa regulasyon sa pagbebenta ng Liquified Petrolium Gas o LPG tanks.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panglunsod Member Bagnos Maximo Jr. sinabi niya na ito ay kasunod pa rin ng naganap na pagsabog o pagliyab ng LPG tank sa Barangay Tagaran na ikinasugat ng isang laborer.

Pangunahin sa tinutukan sa ginawang pagdinig ang mga alituntunin na ipinapatupad para sa mga LPG stations bago makakuha ng permit sa pagbebenta ng LPG, maliban pa sa mas mabusisi ng husto ang naturang insidente.

Umaasa naman ang Sangguniang Panglunsod na makakapagbalangkas sila ng mga karagdagang alituntunin para mas mapahigpit pa ang regulasyon sa pagbibigay ng permit sa mga nagbebenta ng LPG.

--Ads--

Aalamin din ng konseho kung ano ang mga sinusunod na standard compliance ng mga LPG station bago makakuha ng certificate sa pagbebenta.