CAUAYAN CITY – Inamin ng Schools Division Office (SDO) Isabela na malaking rason ang paghihiwalay ng division ng tatlong lungsod sa lalawigan sa paghina ng probinsya sa palakasan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Manolo Bagunu Education Program Supervisor at Division Sports Officer ng SDO Isabela na malaking kawalan sa Isabela ang pagkahiwalay ng tatlong lunsod na nagiging kalaban na nila kapag may Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA).
Sang-ayon siya sa sinabi ni Regional Director Benjamin Paragas ng Department of Education Region 2 na hindi sukatan ang dami ng atleta para manalo gayunman ay ito ang nakikita nilang rason ngayon kaya nauungusan ng ibang probinsya ang Isabela.
Gayunman ay hindi aniya sila tumitigil para maibalik ang pagiging kampeon ng Isabela sa CAVRAA na laging nangyayari noong buo pa ang Isabela.
Hindi rin naman aniya nahuhuli ang Isabela at malaking nakakatulong sa lalawigan sa pagkamit ng medalya ay ang mga para-athletes.
Tinig ni Manolo Bagunu Education Program Supervisor at Division Sports Officer ng SDO Isabela.