CAUAYAN CITY – Natagpuan ng mga mangingisda at Philipine Coast Guard katuwang ang Philippine Marines ang hinihinalang rocket debris na may chinese character sa dalampasigan ng Dammang, Sanchez Mira, Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jeorge Jacob, hepe ng Sanchez Mira Police Station, sinabi niya na malakas ang hinala nila na ang natagpuang Unidentified Object sa dalampasigan ay bahagi ng isang Rocket mula sa China.
Aniya, bagamat hindi pa kumpirmado ay una nang nagbabala ang Office Of Civil Defense noong nakaraang linggo kaugnay sa gagawing rocket launch ng China at natukoy ang Isla ng Dalupiri at Sta. Ana, Cagayan bilang drop point ng rocket debris.
Lahat ng mga narekober na debris ay ipinasakamay sa Marine Battalion Landing Team ng Philippine Marines.
Ang mga natagpuang debris ay kasing laki ng isang bubong ng bungalo house, habang may ilang mas maliliit pang debris ang nakuha sa lugar.