CAUAYAN CITY – Binigyan ng pagkilala at parangal ang hepe ng Cauayan City Police Station at ang himpilan ng pulisya sa lunsod sa buong lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City Police Station na sa ginanap na flag raising ceremony sa kanilang provincial office ay ginawaran sila ng award.
Dalawa ang nakuha ng kanilang himpilan kabilang ang Most number of arrest wanted person City Police Station Category para sa buwan ng Pebrero at ranked number 1 sa Crime Clearance and Crime Solution Efficiency.
Aniya, sa buwan lamang ng Pebrero ay nakaaresto sil ng wanted person na labing isa .
Batay din sa datos ng Isabela Police Provincial Office ay siya rin ang nanguna sa lahat ng hepe ng pulisya sa lalawigan pagdating sa administrative at operational accomplishment.
Aniya, hindi naman niya pinepressure ang mga kapulisan sa lunsod ng Cauayan at pinapayuhan niya lang sila na gawin ang kanilang trabaho ng tama at nagpapasalamat naman siya dahil pinapakinggan siya.
Nanawagan siya sa mga mamamayan sa lunsod na patuloy na makipagtulungan sa Cauayan City Police Station dahil lagi silang handa para sila ay alalayan.
Samantala, tiniyak ni PLt.Col. Nebalasca na patuloy pa rin ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga at katunayan sa buwan ng Pebrero ay tatlong buybust operation ang kanilang naisagawa.
Nagbabala rin siya sa mga patuloy pa ring nasasangkot sa iligal na droga na itigil na ito dahil hindi rin sila titigilan ng pulisya.