--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang farm sa Aurora, Isabela ang puntiryang makapagtala ng world record sa may pinakamaraming palay sa isang ektaryang sakahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Rose Mary Aquino, Regional Executive Director ng Department of Agriculture Region 2 na ang world record attempt ay inisyatibo ng FDN o Francis D. Nitura Farm at kinuha lamang ang DA bilang kanilang partner sa technical assistance.

Ang naturang farm aniya ang nag-initiate na magproduce ng palay na nasa optimum management para makamit nila ang optimum yield.

Gusto nilang ipakita sa publiko na kayang makamit ang optimum yield sa isang ektaryang sakahan lamang.

--Ads--

Bukod dito ay gusto nilang matalo ang isang magsasaka sa India na hawak ang naturang world record kaya nagpursige silang ipakita sa kanilang demonstration farm sa Aurora, Isabela na kaya nila itong tapatan.

Hawak ngayon ni Sumant Kumar, isang magsasaka sa India ang world record na ito at nakapagtala siya ng 22.4 tons o katumbas ng 448 cavans.

Ngayong araw ay magkakaroon ang FDN farm ng yield day at inaasahang marami ang dadalo rito kabilang na si DA Assistant Secretary for Planning and Project Development Noel Padre.

Ayon pa kay Dr. Aquino, ang lugar na pinagtamnan nng palay ay tinambakan noon ng organic fertilizer para sa pagtatanim ng gulay pero nang ‘di magtagal ay tinamnan na ito ng palay.

Wala rin aniyang kaibahan ang ginamit nilang binhi sa ginagamit ng karamihan ng mga magsasaka na hybrid at inbred seeds.

Tinig ni Dr. Rose Mary Aquino.