--Ads--

CAUAYAN CITY – Banye-banyerang isda ang napadpad sa karagatang sakop ng Claveria, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Angel Encarnacion ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 na sa bahagi ng Babuyan Channel at Claveria ay maraming galunggong at pusit ang napadpad sa kanilang karagatan kaya marami ring nahuhuli ang mga mangingisda.

Indikasyon aniya ito na maganda ang environment at productivity ng karagatan.

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na maraming dumadagsang isda dahil sa ganitong panahon din talaga ang panahon na nagsisilabasan ang naturang mga isda.

--Ads--

Nanawagan naman siya sa mga mangingisda na huwag gumamit ng iligal na pangingisda para magpatuloy ang marami nilang nahuhuli.

Tinig ni Regional Director Angel Encarnacion ng BFAR Region 2.