CAUAYAN CITY – Mayorya ng mga corn famrers sa Lambak ng Cagayan ang naghain na ng kanilang claim for indemnity dahil sa drought o tagtuyot dulot ng El Niño.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Louterio Sanchez Jr., Officer-In-Charge ng Plains and Assestment Division ng Philippine Crop Insurance Corporation Region 2, sinabi niya na mula ng maideklara ang drought ay nagsimula na rin ang kanilang monitoring at karamihan sa mga naghain ng kanilang claim for indemnity ay mga corn farmers, habang may ilang rice farmer na hindi na naabot ng patubig ang nagfile na rin ng claims.
Karamihan sa mga nagtanim ng mais na nagpasiguro ay mga nagtanim sa river flood areas at karamihan ay nagtanim mula Disyembre hanggang Enero.
Sa kanilang notice of loss o claim for indemnity, ang probinsyang may pinakamaraming naghain ng claim ay ang Cagayan na umabot sa 4,000 hanggang noong March 14 na sinundan ng Isabela na may 2,500, Kalinga na may mahigit isang libo habang ang Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao at Apayao ay may mahigit isang daan.
Batay sa kanilang estimated filling ng claim for indemnity ay mahihigitan pa ang naitala nilang 8,000 claims o papalo pa sa 15,000.
Sa kasalukuyan mula sa 8,600 na magsasaka ay nakapagbayad na ang Philippine Crop Insurance Corporation ng mahigit 3,000 claimants na may kabuuang halaga na P19 million at 2,987 dito ang corn farmer o 2,462.63 ektarya ng sakahan na may halagang P13 million.
Puntirya ngayon ng Philippine Crop Insurance Corporation Region 2 na mabayaran ang lahat ng claim for indemnity sa loob ng dalawampung araw o halos isang buwan at mauunang mabarayan ang mga magsasakang naunang nakapaghain ng kanilang claim for indemnity.
Tinig ni Louterio Sanchez Jr., Officer-In-Charge ng PCIC Region 2.