--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang National Most Wanted Person na may patong sa ulo sa Lamut, Ifugao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Basilio Hopdayan Jr., hepe ng Lamut Police Station na matagal na pinaghahanap ng batas ang akusado dahil taong 2005 pa ng magawa niya ang krimeng pagpatay.

May nagbigay ng impormasyon sa kanila na uuwi ang akusado sa bayan ng Lamut kaya agad silang bumuo ng tracker team para siya ay mahuli.

Aniya, nagtago sa iba’t ibang lugar ang akusado.

--Ads--

Sa ngayon ay naipasakamay na ng Lamut Police Station ang akusado sa Bureau of Jail Management and Penology-Ifugao District Jail para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay PMaj. Hopdayan, sa mga ganitong kaso ay ibinibigay ang reward sa kanilang mga informant dahil sa tulong na naibigay nila sa mga pulis.

Nanawagan siya sa mga mamamayan na patuloy na makipagtulungan sa mga alagad ng batas para mahuli ang mga may pagkakasala sa batas at maipagpatuloy ang matiwasay at tahimik na pamumuhay.

Tiniyak naman niya na ano mang impormasyon na maibibigay sa pulisya ay mananatiling confidential.