--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad  ng Schools Division Office ang kauna-unahang project W.A.T.C.H sa Isabela partikular sa Cauayan City.

Dinaluhan ito ng mga Schools Division Superintendent mula sa iba’t ibang Schools Division Office.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1782 na sinuportahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagdeklarang WATCH MONTH ang buwan ng Hunyo.

Ang Project WATCH ng Department of Education o “We Advocate Time Consciousness and Honesty” ay may layunin na hikayatin at turuan ang mga estudyante maging ang mga guro ng pagiging tapat at pagiging mabuting leader.

--Ads--

Ayon kay Angelica Jones Alarva, JCI National Chairman, naikutan na nila ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at laking pasasalamat niya dahil ang lalawigan ng Isabela ang isa sa kanilang nabisita.

Aniya, ang project WATCH ay naglalayon na ang lahat ng mamamayang Pilipino ay dapat na mulat na muling itanim ang halaga ng oras sa kagandahang-loob sa lahat ng pang-araw-araw na gawain.