--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasaksihan ng mga residente sa Washington DC, Estados Unidos ang partial solar eclipse pasado alas-3 ng hapon oras sa Amerika o alas-3 ng madaling araw dito sa Pilipinas.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Jon Melegrito, nasa 85% hanggang 87% solar eclipse lamang ang kanilang nasaksihan sa Washington DC.

Aniya, nagtipon-tipon sila ng kanyang mga kasamahan na magkakaibang lahi sa isang mall upang saksihan ang isang pambihirang pagkakataon at nagtagal ito ng halos tatlong minuto.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng opinyon ng mga tao sa Amerika ay naging payapa ang pagsasama-sama ng mga tao upang saksihan ang solar eclipse.

--Ads--

Dagdag pa niya na dalawampung taon pa ang hihintayin bago muling masisilayan ang ganitong phenomenon kaya marami ang hindi ito pinalampas.

Gumamit din sila ng mga device upang makita ang solar eclipse dahil imposible itong makita sa pamamagitan lamang ng mga mata.

Naranasan naman ang total solar eclipse sa Texas at Indianapolis at marami ang dumayo sa mga nasabing lugar na mula pa sa iba’t ibang estado ng Amerika.