--Ads--

CAUAYAN CITY – Magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO 1) ngayong buwan ng Abril.

Sa datos na inilabas ng kooperatiba ay magkakaroon ng mahigit 10 centavos na dagdag sa kada kilowatthour ng mga residential consumer, at higit 7 centavos sa kada kilowatt-hour ng low voltage consumer.

Magkakaroon naman ng mahigit 75 centavos na pagtaas sa kada kilowatthour sa mga high voltage consumer.

Ang pagtaas sa singil sa kuryente ay dahil umano sa pagtaas ng singil sa average generation rate, system loss rate, Generation VAT Charge, at System VAT charge.

--Ads--

Ikinadismaya naman ng maraming residente sa Cauayan City ang biglaang pagtaas sa singil ng ISELCO 1.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Coni Martin na nadismaya sila sa pagtaas sa singil ngunit inaasahan na umano niya ito dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan.

Inaasahan na rin aniya ang mataas na bill sa kuryente ngayon dahil maghapon at magdamag ang paggamit nila sa kanilang mga electric fan.