--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakadismaya at lumilikha umano ng kaguluhan ang binitiwang pahayag ni dating House Speaker at kasalukuyang 1st District Representative ng Davao Del Norte na si Atty. Pantaleon Alvarez na tanggalin na ng kasundaluhan at kapulisan ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst at constitutionalist, sinabi niya na ang pahayag ni Alvarez ay paglabag sa dalawang batas na inciting to sedition at inciting to rebellion.

Aniya, bagamat may katotohanan ang pahayag ni Cong. Alvarez ay kulang ito dahil hindi nabanggit ng mambabatas na nakalagay sa konstitusyon na ang pangulo ang commander in chief kaya dapat nasa kanya ang loyalty ng mga sundalo at pulis.

Dagdag pa niya na walang karapatan ang kahit na sino na imungkahi na gumawa ng krimen ang mga sundalo at pulis.

--Ads--

Hindi rin aniya tamang isipin na paghahanda sa giyera ang pagpapalakas sa national defense capability ng bansa dahil bahagi ito ng ating polisiya.