CAUAYAN CITY – Posibleng malagasan ng maraming supporters si Dating US President Donald Trump kung mapapatunayang guilty sa Hush Money Trial.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na kung sakaling maconvic sa unang court trial sa kaniyang criminal case ay malalagasan ng 20-30 percent supporters si Trump.
Ito ay dahil gumugulong na ang Jury Selection kung saan nasa isang dosenang Jurors at 6 alternates ang inaasahang didinig sa criminal case ni Trump sa susunod na dalawang linggo.
Matagal ang proseso para sa paghimay ng mga Jurors para matiyak na walang Trump Supporters o Anti-supporters ang makakalusot bilang hurado para sa mas malinis na paglilitis.
Sa kabila ito ng pagsisimula ng Jury Selection at muling pag-alingawngaw ng mga kasong kinakaharap ni Trump na nagsimula sa pagbibigay niya ng Hush Money kay porn actress Stormy Daniels sa kasagsagan ng Campaing period noong 2016 Presidential Election.
Maliban sa Hush Money Trial ay may apat pang pending cases at 91 charges laban kay Trump subalit patuloy pa ring umaapela ang mga Trump supporters para ibasura ang naturang mga kaso kahit may malakas na ebidensya laban sa dating Presidente.