--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang painter matapos mahulihan ng baril sa Cabaruan, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City Police Station na may nagbigay ng impormasyon sa kanila na may isang lalaki na nakainom at may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

Agad na nagresponde ang mga pulis at nahulian ng baril na Cal. 38 na may tatlong bala ang naturang lalaki na 29-anyos, painter at residente ng San Fermin, Cauayan City.

Aniya, posibleng dala ng kalasingan kaya nagawang ilabas ng lalaki ang kanyang baril at ipagyabang sa pampublikong lugar.

--Ads--

Ayon kay PLt.Col. Nebalasca, dalawa ang kasong isasampa nila sa naturang lalaki kabilang ang Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Article 151 ng revised penal code na resistance and disobedience of person in authority dahil kinailangan pang makipagpambuno ng isang pulis para mahuli ang suspek.

Isasailalim din aniya sa imbestigasyon ang baril at ang lalaki.

Payo ng pulisya sa mga may hinahawakang baril na maging responsable at iparehistro o di kaya ay boluntaryong isurrender sa kapulisan para walang maging problema.

Tinig ni PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr.