--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalikas ang maraming mamamayan na malapit sa isang bulkan na pumutok sa North Sulawesi, Indonesia.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Rudy Celeste na nasa isla ang naturang bulkan na tinatawag nilang Mount Ruang.

Tinatawag din itong volcanic island dahil nabuo umano dahil sa volcanic eruption.

Aniya, noon pang 1800 nang nag-umpisa na magkaroon ng eruption ang naturang bulkan at kada tatlong taon ay pumuputok umano ito.

--Ads--

Kapag sumasabog aniya ang bulkan ay umaabot ito sa signal 4 na ang ibig sabihin ay danger kaya kailangan nang lumikas ang mga tao na malapit sa bulkan.

Wala namang napaulat na nasaktan o casualty dahil maigting ang ginagawang monitoring kapag pumuputok ang Mount Ruang.

Dahil naman sa pagputok ng bulkan ay nagkaroon din ng tsunami warning.

Tinig ni Bombo International News Correspondent Rudy Celeste.